Venus Raj and Christian Baustista back to back Valentine Concert




Tumindi pa ang kumpetisyon ng mga Valentine show sa pagtampok kay Miss Universe 4th Runner-up Venus Raj sa Resorts World show na “My Beautiful Girls.”

Kasama sina Christian Bautista, Binibining Pilipinas International Krista Kleiner at show girls ng musicale na “Kaos”, major surprise ang pagsabak na sa pagkanta ng Bikolana beauty.

“This is my frist time,” sabi ni Venus.

“I am so lucky! Thank you God,” sambit naman ni Christian.

“Ang dami mong chicks. Kung hindi lang kita kaibigan dati,” biro ni Krista.

Ginulat din ni Venus ang lahat nang hubarin niya ang kanyang sapatos para makapantay si Christian sa pictorial.

“Sobrang tangkad kapag mayroong heels at siyempre respeto dahil nakakataas. Explore kung anong kaya kong gawin sa buhay. I’m gonna try singing. Natatawa pa rin ako pero kaya ko ‘yan,” pahayag ni Venus.

Makakatapat ng “My Beautiful Girls” ang Valentine shows ng mga bigating local artists gaya nina Kuh Ledesma at “The Hitmakers” sa Araneta Coliseum, ang tambalang Martin Nievera at Sarah Geronimo sa PICC, at iba pa.

Ayaw namang paapekto nina Christian at Venus kahit pumapalo sa ticket sales ang mga karibal na foreign shows. Una na ang “Number Ones – World Tour” ni Janet Jackson sa PICC sa February 4 at ng show ni Taylor Swift sa Big Dome sa February 19.

“Because of Internet, TV, pantay na laban. Global na dapat ang show mo palagi, all the time, we are gonna do out best to match that,” pahayag ni Christian.

“Alam naman ng kapwa nating Pilipino na kailangang suportahan ang sariling atin,” sabi ni Venus.

Positibo si Venus, magwawagi din siya sa una niyang major concert break.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

0 comments

Leave a Reply

Copyright 2009 Simplex Celebs All rights reserved Designed by SimplexDesign
Watch Movie Online | This site is reviewed and listed at Listahang Pinoy!