Gerald - Kinakabahan kay Sarah Geronimo




Gerald Anderson, worried na hindi magustuhan ng Kimerald fans and tambalan nila ni Sarah Geronimo sa isang movie.

Kahit parehong busy ang dalawa, nagsimula nang mag-shoot ng upcoming movie nila sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo last January 13. Dahil first time nila magsasama sa isang movie, nagkakahiyaan pa sila. Ayon kay Gerald, hindi pa daw sila nagkasama sa shoot kasi magkaibang eksena daw ang kinunan. At dahil inamin ng aktor na mahiyain s’ya, nagkakahiyaan pa raw sila ni Sarah sa set ng pelikula. Positive naman si Gerald na magiging kumportable sila habang tumatagal.

Samantala, worried naman si Gerald na baka hindi suportahan ng Kimerald fans ang tambalang Gerald-Sarah. Nang tanungin siya kung paano kung may ma-develop na feelings for each other on the set, agad naman sinagot ito ni Gerald na hindi niya pinapansin ang ganitong bagay dahil focus sila sa trabaho.

Nagkataon lang daw na pareho silang single pero sa trabaho daw sila nag-fofocus ni Sarah dahil gusto nilang maging maganda ang kalalabasan ng pelikula. Umaasa din ang aktor na maiintindihan ng Kimerald fans na trabaho lang ang ginagawa nila.

Ano ang bagong aabangan ng kanilang supporters sa pelikula nilang ito? Bagong role daw ang gagampanan ni Gerald na hindi pa n’ya nagawa before. At ang Popstar Princess naman daw ay may pagka-daring ang role. Abangan na lang natin ang unang silip sa unang Gerald-Sarah movie team-up.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

0 comments

Leave a Reply

Copyright 2009 Simplex Celebs All rights reserved Designed by SimplexDesign
Watch Movie Online | This site is reviewed and listed at Listahang Pinoy!