President P-Noy spot on Dalaw Premier Night




Kris Aquino’s family was there in full force, as the premiere of Dala became a family affair. “Dalaw is a official entry of Metro Manila Film Festival 2010. The premiere was held last December 19 at TriNoMa Mall in Quezon City.

Mga isang oras bago ang premiere screening ay kapansin-pansin na ang presidential security guards na nakapaligid sa loob ng mall.

Maya-maya ay magkakasunod nang dumating ang presidential sisters na sina Maria
Elena "Ballsy" Aquino-Cruz, Aurora Corazon "Pinky" Aquino-Abelleda, at Victoria
Eliza "Viel" Aquino-Dee sa red-carpet screening ng pelikula ng kanilang bunsong kapatid na si Kristina Bernadette Aquino-Yap—o mas kilala sa kanyang palayaw na Kris.

After a few moments ay sabay na dumating si Kris Aquino, na nakasuot ng green cocktail dress, at ang kanyang kuya na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino, na naka-dilaw na long-sleeved polo naman.

On their way sa sinehan, nagbiro si Kris tungkol sa kung sino ang puwedeng manood ng kanyang pelikula.

"You can bring the entire family basta't kasama yung mga magulang, guardians o nakakatatandang kapatid. Or, in his [President Noynoy] case, yung mga uncles n'yo kasama n'yo," sabi ni Kris.

Maya-maya ay tahimik din na pumasok sa loob ng sinehan ang presidential stylist na si Liz Uy na nakaputing cocktail dress. Si Liz ay minsan ding na-link kay PNoy.

Nagsidatingan din ang executives ng ABS-CBN na sina Charo Santos-Cancio at Deo Edrinal.

Naroon din ang iba pang cast members ng Dalaw na sina Diether Ocampo, Gina Pareño, Karylle (kasama ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla), Ina Feleo, Alessandra de Rossi (kasama ang kanyang kapatid na si Assunta), at si Empress Schuck.

Present din ang dalawang anak ni Kris na sina Josh at baby James.

Bukod sa kanyang pamilya, namataan din ang ilan sa mga kaibigan ni Kris na nagbigay ng suporta.

Also present were Coco Martin, Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez, Vice Ganda, ang mag-inang Dra. Vicky Belo at Cristalle Belo Henares, Iza Calzado, at Bianca Manalo.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

0 comments

Leave a Reply

Copyright 2009 Simplex Celebs All rights reserved Designed by SimplexDesign
Watch Movie Online | This site is reviewed and listed at Listahang Pinoy!