Vice Ganda - The New Box Office King nga ba?




Di natin matatanggi na isa sa magaling na komedyante sa taong eto si Vice Ganda lalo pa't ka re-release lang ng kanyang unang pelikula na Petrang Kabayo. Sya na nga ba ang susunod na Box Office King?

Dalawang linggo palang ay namamayagpag sa takilya ang kanyang launching movie na Petrang Kabayo. From the Viva Films, naka-P107 million na ang Petrang Kabayo sa ika-6 na araw nito sa takilya. Mula naman sa Box Office Mojo, lumagpas na ng P80 million ang kinita ng pelikula sa loob ng dalawang linggo.

Kailangang talunin ng Petrang Kabayo ay ang record na naitala ng pelikulang "Miss You Like Crazy" na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nagtala ng pinaka-mataas na kita ng P143.25 million.

Subalit kahit malagpasan rin ng Petrang Kabayo ang Miss You Like Crazy ay may bagong pelikula si John Lloyd Cruz na inaabangan ng madala ngayog November, "My Amnesia Girl" na isa rin sa mga inaabangan ng marami. Kasama sa pelikulang eto si Toni Gonzaga bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Malamang si John Lloyd parin ang tatanghaling Box Office King kung ang pagbabasehan ay ang kinita ng lahat ng pelikula ng isang artista.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

0 comments

Leave a Reply

Copyright 2009 Simplex Celebs All rights reserved Designed by SimplexDesign
Watch Movie Online | This site is reviewed and listed at Listahang Pinoy!