Richard Poon in-LOVE talaga kay Maricar Reyes




Sa presscon ni Richard Poon last Thursday para sa The Crooner concert na gaganapin sa Nov. 12 sa PICC Plenary Hall, inamin niya ang panliligaw sa Star Magic talent na si Maricar Reyes.

To quote Richard, he said, “I’m seriously pursuing her.”

Nagsimula raw siyang manligaw kay Maricar nito lang pagkatapos ng Star Magic Ball last September pero matagal na niyang crush ang dalaga.

First time niya itong nakita sa TV sa I Love Betty La Fea at doon pa lang, gandang-ganda na siya sa aktres.

“Nang makita ko siya sa Betty La Fea, sabi ko nu’n, ‘sino itong Taiwanese superstar ito?’ Kasi ang hitsura niya really, superstar level ng Taiwan, ang ganda talaga! Tapos, bigla kong narinig na nagta-Tagalog, sabi ko ‘Oh my God, Pilipina pala!’

Ang sumunod na pagkikita nila ay nang gawin nila ang music video niyang You and I. Si Maricar ang kinuha ng manager niyang si Erickson Raymundo para maging partner niya sa nasabing MTV without knowing na crush niya ang aktres.

Kaya naman very memorable sa kanya ang single niyang You and I.

Kahit crush na niya si Maricar noon, parang he felt na hindi pa time na ligawan niya ito kaya hanggang paghanga lang siya hanggang sa natapos ang shoot.

Nagkataon namang nag-place sa Top 20 ng MYX ang music video, kaya tinawagan niya si Maricar para ibalita ito at tuloy, magpasalamat.

Doon na sila nagsimulang magkaroon ng communication pero wala pa raw ligawan. Hanggang sa magkita nga sila ulit sa Star Magic Ball and ’yun na, he just felt na parang gusto na niyang i-pursue ang aktres.

“Naniniwala kasi ako sa destiny, eh. Siya rin, parang sabi nga niya, last year was parang hindi pa, eh. Hindi pa time,” he said.

Ngayong pormal na siyang nanliligaw, ani Richard ay unti-unti niyang nakikilala nang husto ang aktres and so far, gusto niya ang lahat ng bagay na nadidiskubre niya rito.

“We can talk about everything and anything, I like the fact that she’s very disciplined, a woman cannot finish Ateneo, Biology, and then take up Medicine in UST, and from 19 years old, magtrabaho and pave her way, my God.

“Imagine, ha, to do those things, at 19 years old, nagmu-model ka na, for me, bibihira kang makakita ng taong nagdyi-jeep, FX, ganu’n siya.”

Kung sakali, handa na raw siyang mauwi sa kasalan ang lahat kung tatanggapin siya ni Maricar.

“If maging very mutual kami, then why not? I think, she’s, ah, wow, more than qualified to be a partner – disciplined, matalino, handles finances very, very well, may diplomasiya, marunong makiusap.

“Star Magic has been telling me, ‘Richard, hindi mo alam, nagku-commute, nagmi-mission, medical missions. My God! Where can you see a woman like that?”

Halata sa aura ni Richard ang sobrang pagka-in love.

Glowing siya at ang mga mata niya, talagang nagti-twinkle. Kung siya nga ang tatanungin, this is it, kumbaga.

Anyway, second major concert niya ang The Crooner matapos ang matagumpay na show niya sa Meralco Theater last May.

Richard will be performing with a 25-piece orchestra at special guests niya sina Sam Milby, Pokwang at Lea Salonga.

The show is directed by Johnny Manahan with Mel Villena as musical director.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

0 comments

Leave a Reply

Copyright 2009 Simplex Celebs All rights reserved Designed by SimplexDesign
Watch Movie Online | This site is reviewed and listed at Listahang Pinoy!